Sa ikalawang show ng Manila concert ngthree-time Grammy award winning at R&B superstar na si NE-YO ngayong gabi ng Lunes, isang special treat ang nasaksihan ng fans nang muling ipamalas ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang kaniyang iconic "lava walk."
Basahin: SILIPIN: Presyo ng comeback Manila concert ni Neyo sa 2023 – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Hiwayan ang concert-goers nang lumabas sa stage si Cat. Lalo pang lumakas ito nang magpakilala na ang Pinay Miss Universe na kalauna’y naalala ni NE-YO.
“My name is Catriona and I actually walked with you in Thailand. I won Miss Universe,” buong ngiting saad ni Cat na ikinadagundong ng Araneta Coliseum.
“Oh, I remember you,” nakangiti at sorpresang reaksyon naman na makikita sa mukha ni NE-YO at agad na niyakap si Cat.
Matatandaang ang American singer-songwriter ang performer sa iconic na Miss Universe 2018 finals sa Thailand kung saan si Cat ang kinoronahan.
Sunod na ipinamalas ni Cat ang kaniya pa ring sikat at walang kupas na pagrampa, at s'yempre ang iconic lava walk!
Noong Oktubre 2022 kasunod ng anunsyo para sa “Live in Concert” ni NE-YO sa Manila, isang tweet ang binitawan ni Cat.
“Lava walk part 2?” sey niya.
Ngayong gabi, tila nakinig nga muli ang universe sa Pinay titleholder.
Instant viral ang isang Facebook video na mabilis ding kumalat online.
Queen things!