Pormal nang inihayag ng GMA Network at ABS-CBN ang kanilang kauna-unahang pagsasanib-puwersa sa isang collaboration project, na reunion teleserye nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap na may pamagat na "Unbreak My Heart" kasama pa sina Joshua Garcia at Gabbi Garcia.

Maituturing na kasaysayan ito sa Philippine television dahil ito ang unang proyektong ipo-produce ng dalawa sa higante at magkaribal na TV networks sa bansa.

Mapapanood umano sa GMA Network ang naturang serye ngayong 2023, gayundin sa iba't ibang bansa sa pamamagitan ng Viu. Katuwang din dito ang Dreamscape Entertainment na isa sa mga production unit ng Kapamilya Network.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Masayang-masaya sina Jodi at Richard sa muli nilang pagsasama sa proyekto, lalo't hit teleserye ang "Be Careful With My Heart" sa ABS-CBN.

"This collaboration will really bring in opportunities not only to the networks, but for the people working in the network, for the people in the industry," ani Sta. Maria.

"I'm really proud, honored, and excited to be part of this show which is history in the making since this is the first time that two network giants will be working with each other. Of course I'm also excited to be working with Jodi again and all the other people in the cast," pahayag naman ni Yap.

Isinagawa ang contract signing at story conference event sa gusali ng ABS-CBN na dinaluhan ng mga opisyal mula sa tatlong malalaking kompanyang nabanggit.