Viral ngayon sa social media ang larawang kuha ng netizen na si Renz Villasor tampok ang isang aso’t pusang mahimbing na natutulog sa lansangan habang magkayakap katabi ang dalawang umano'y pulubi.

Sa panayam ng Balita Online, ibinahagi ni Villasor na papunta sila sa Binondo, Manila, para sa selebrasyon ng Chinese New Year kahapon nang madaanan nila ang mga ito sa gilid ng Dasmariñas Street.

“Bihira lang po talaga ako makakita ng ganoong ka-close na aso at pusa,” aniya. “Same color pa sila ng alaga namin.”

Batid ni Villasor at ng netizens na ang nasabing aso’t pusa ay pagmamay-ari ng katabi nilang dalawang pulubi na natutulog din sa daan. Kaya naman lalong bumuhos ang simpatya nila sa nasabing post.

Kahayupan (Pets)

Chimpanzee, 7 buwan kinarga naaagnas na labi ng namatay na anak bago binitiwan

Komento ng netizens:

“Sana lahat ng taong nasa lansangan may matitirahan na, gayundin sa mga hayop♥️🙏.”

“Sabi nila sa isa't isa.. dalawa na nga lang tayong magkakampi, dapat magmahalan tayo.”

“Ang aso at pusa talaga basta mahalin mo sila nang totoo, hindi sila mamimili kahit anong estado mo sa buhay😊.”