Ibinahagi ni Megastar Sharon Cuneta ang kaniyang cute na manicure-pedicure sa kaniyang Instagram account na umani ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

Makikitang pink ang kuko sa paa ni Mega at "pearly" naman ang kaniyang kuko sa mga kamay.

Pinasalamatan ng Megastar ang staff sa suking salon na gumawa nito sa kaniya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa isa pang Instagram post, ibinida rin niya ang bagong hair cut at hair color.

Ibinahagi naman ni Ogie Diaz ang screengrab ng litrato ng pink toes ni Mega.

"Yung post tayo nang post ng mga mukha natin sa IG, tapos si Sharon Cuneta, dinaan lang tayo sa paa," text caption ni Ogie.

"Teka, papa-foot spa lang ako para ibalandra ko rin talampakan ko sa IG," pahayag pa ni Ogie.

Screengrab mula sa IG ni Ogie Diaz