Sa halip na bulaklak, kumpol ng sibuyas ang ginawang bouquet sa kasal ng magkasintahang sina Lyka at Erwin sa Mandurriao, Iloilo City.

Sa panayam ng Balita Online, ibinahagi ni Lyka na nakuha niya ang ideyang gawing wedding bouquet ang sibuyas nang makita niya sa social media ang isang bouquet na gawa sa pinagsamang bulaklak at sibuyas. Natuwa raw siya rito kaya agad na kinonsulta si Erwin.

“If flowers, after the wed, pang-display na lang at kung malanta, itapon na lang din. So why not mag-sibuyas na lang? Praktikal pa in a way na magagamit din naman after wed,” kuwento ni Lyka.

Nang napagkasunduan nila ito ng kasintahan, agad daw na inabisuhan ni Lyka ang kanilang wedding coordinator para gawing kumpol ng sibuyas ang entourage ng kasal nila na ginanap nitong Sabado, Enero 21.

Trending

'Vets are also doctors!' Beterinaryo 'minaliit' daw ng isang doktor, umani ng reaksiyon

“Natuwa po [ako] kasi ‘yung ibang visitors namin from Manila ay na-amaze sa kinalabasan ng concept ng kasal namin,” aniya.

Sa mahal ng presyo ng sibuyas ngayon, ayos din daw at nakapag-uwi rin ang mga bisita niya ng sibuyas bilang souvenir pagkatapos ng kanilang kasal.

Trending na rin sa social media ang nasabing konsepto ng kasal nina Lyka at Erwin. Umani na ito ng mahigit 100 shares sa Facebook.

Hirit ng netizens:

"Swerte ang makakasalo nito na mga dalaga😁😁😁✌️."

"Kahit na may asawa na ako, gusto kong sumalo ng bouquet🙄🙄🙄."

"If I were there during the throwing of bridal bouquet, I won't hesitate to join and catch the onions. Mahal eh.🤣"