Trending sa social media platform na Twitter si Queen of All Media Kris Aquino ngayong Lunes, Enero 23.

Screengrab mula sa Twitter

Binalikan kasi ng ilang netizens ang ilang video clips niya, dahil napag-uusapan kung sino-sino sa showbiz ang "mababait" at masayang katrabaho, at sino-sino naman ang may attitude.

‘Gaining weight!’ Latest photo ni Kris Aquino, umani ng reaksiyon sa netizens

Isa pang bagay, marami na ngayon ang nakaka-miss na sa kaniya lalo't lumabas na rin ang official trailer at poster ng "Ako si Ninoy", at nais ng mga netizen na malaman ang kaniyang feedback o masasabi tungkol dito.

Huwag na ring banggitin pa na marami na rin ang nakaka-miss kay Krissy, na kahit may pagkataklesa, ay kinatutuwaan pa rin.

Marami naman ang "kinabahan" dahil sa pagiging trending ni Krissy sa social media kaya agad silang napa-check kung ano na ba ang nangyari dito.

Ang huling update sa kaniyang kalagayan ay nang mag-post si Batangas Vice Governor Mark Leviste ng photos nila ni Kris, noong pagdiriwang ng Bagong Taon sa Amerika.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Kris Aquino is trending today and I don't know why. Akala ko… 'yun na. But thankfully hindi. Nagshare-ran lang pala sila ng mga clips at convos with Kris. Weird lang doon sa written convos, I read them with Kris' voice and tone in my head."

"Kris Aquino the only maldita and conyo I will tolerate ‘til forever she has the rights! She has to be well and come back already."

"Literal na kinabahan sa pag-trending ni Kris Aquino."

"Nakakamiss ang Kris TV era ni Kris Aquino. The morning time slot is really just for her. Walang makakapantay."

"When you read stories about Kris Aquino tapos meron quote unquote -- hindi pwedeng hindi mo sya basahin in Kris Aquino way dabahhhh??? Same effect with Ruffa Mae Quinto you know, yesss, paweeerrrr!!!! Pop culture icons, indeed!"