Iniulat ng Department of Health (DOH) nitong Lunes na bumaba ng 35% ang bilang ng mga bagong kaso ngCovid-19na naitala nila mulaEnero 16 hanggang 22, 2022.
Sa inilabas na nationalCovid-19case bulletin ng DOH, nabatid na sa mga nasabing petsa ay nakapagtala lamang sila ng 1,891 na bagong kaso o 270 na average kada araw.
Mas mababa anila ito ng 35% kung ikukumpara sa mga kaso noong Enero 9 hanggang 15.
Ayon sa DOH, sa mga bagong kaso, apat ang may malubha at kritikal na karamdaman habang mayroon namang naitalang 104 na pumanaw, kabilang ang pitong naganap noong Enero 9 hanggang 22.
“Noong ika-22 ng Enero 2023, mayroong 432 na malubha at kritikal na pasyente na naka-admit sa ating mga ospital dahil saCovid-19. Sa 2,299 ICU beds para sa mga pasyenteng mayCovid-19, 370(16.1%) ang okupado. Samantala, 3,509 (19.1%) ng 18,410 non-ICUCovid-19beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit,” ulat pa ng DOH.
Nabatid na mahigit naman sa 73 milyong indibidwal o 94.52% ng target na populasyon ang bakunado na laban saCovid-19habang 21 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shots.
Nasa 6.9 milyong senior citizens o 79.46% ng target A2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series.
Kaugnay nito, muling pinapaalalalahan ng DOH ang lahat na huwag maging kampante sa banta ngCovid-19.
“Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards sa ilalim ng Alert Level 1. Paalala ng Kagawaran ng Kalusugan na laging magsuot ng best-fitted face mask at kung maaari, manatili sa well-ventilated na mga lugar. Sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE. Para sa karagdagang proteksyon laban sa banta ngCovid-19, agad-agaran na tayong magpabakuna at booster,” anito pa.