Mahigit apat na taon matapos koronahang ikaapat na Pinay Miss Universe, patuloy pa ring ginagampanan ni Catriona Gray ang pangakong iwagayway ang ganda ng Pilipinas sa international scene.

Ito ay kasunod ng brand new content ni Cat sa kaniyang YouTube channel noong Biyernes, Enero 20, tampok ang natatanging ganda, at kultura ng Ilocos Norte.

Bahagi pa rin ito ng tourism-driven advocacy ng beauty icon na kilala bilang #RaiseYourFlag series sa YouTube.

Sa panibagong content, tampok ang naggagandahang lugar, espasyo at mayamang kultura ng hilagang probinsya ng bansa.

Ina, may open letter sa pastor dahil sa umano'y pambubully ng church members nito

Kabilang sa mga binisita at itinampok ni Cat ang Museo Ilocos Norte sa Laoag, ang Gamaba Cultural Center sa Pinili, ang Suba Paoay San Dunes 4x4 Rides and Adventure ng Paoay, ang Blue Lagoon Surfing Community, Del Marco Coco, at Kaangrian Falls sa Pagudpud, at ang sikat na Glory’s Empanada at La Preciosa sa Batac.

Isa sa mga highlight sa serye ang panayam ni Cat kay Nanay Magdalena Gamayo at tinaguriang “cultural legend” dahil sa kaniyang hindi matatawarang ambag sa kabuang kultura ng paghahabi sa rehiyon.

Basahin: Catriona Gray, naantig sa kuwento ng 98-anyos na manhahabi, ‘cultural legend’ ng Ilocos Norte – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Samantala, ilang fans at netizens naman ang nagpasalamat sa beauty queen sa patuloy at aktibo nitong adbokasiya para sa turismo ng bansa.

“She is truly the best ambassador of the Philippines. I (and I am many people) would never know about your country so much if it was not for her,” komento ng isang fan sa panibagong upload.

“Pure Filipino ako pero si Cat parang x10 yata ang pagmamahal sa Pilipinas. Best ambassador. I love you Cat! Apaka husay ng production. ito dapat ang napapanood namin sa Free TV para naeeducate ang mas maraming audience about the Philippines at ano pa ang mga dapat tangkilikin at mahalin sa bansa Great job sa inyong team,” paghanga ng isa pa sa iconic beauty queen.

“She’s really impressive and very smart to do this kind of informative way to promote each place/ region in the Philippines.. Catriona, you’re not only the Miss Universe , you are the BEST Miss Universe of all…Awesome job and congrats to the whole crew !,👏👏👏

“The production, the stories, the culture featured, and everything on this piece of art is truly amazing! This deserves a spot on the national television! I am really in awe and other mixed emotions while watching this episode. Looking forward for more! Great job, Miss Catriona and the rest of the team!”

“Cat is an epitome of a patriotic empowered woman. Thank you, Cat for raising our flag! ❤️”

"She’s really raising our flag empowering other filipinos, especially women. Great job! Thank you Catriona and The Team! 🙌🏻

“She really speaks for the whole Philippines, a voice of those who produce local products and gave life and another level of exposure of its culture.❤ mabuhay Catriona🎉

“Catriona Gray truly exudes substance, love for culture, arts and support to local artisans and craftsmen. She really speaks with the heart as she highlights the best destinations, culinary cuisines and local life in Ilocos Norte. Love it queen!!!”

“Dahil kay Cat marami tayong na didiscover dito sa Pilipinas, nakakaproud maging isang Pilipino.🇵🇭❤

Matatandaang noong 2018 nang manalong Miss Universe, dito unang ibinalandra ng Pinay delegate ang ilang cultural fabrics sa international scene. Mula noon, madalas na maiispatan ang beauty queen gamit pa rin ang Pinoy textiles sa ilang wardrobe sa loob at labas ng bansa.

&t=389s