Usap-usapan ngayon ang "mainit na tea" ni Maureen Wroblewitz sa kaniyang TikTok account matapos niyang magbigay ng kaunting pasabog tungkol sa kaniyang "traumatic" past public relationship, sa saliw ng awiting "Flower" ni Miley Cyrus.

Si Maureen, ay ex-girlfriend ng mang-aawit na si JK Labajo, kaya tanong ng mga netizen, si JK ba ang pinatatamaan niya?

I’ve never really spoken about my past relationship but this song really speaks to me. That’s the thing about being in a public relationship, no one really knows what happens behind closed doors. I have lost myself over the past few years and I’m finally realizing who I really am. I am working on myself and healing from past trauma because I don’t want to make the same mistakes. Maybe one day I’ll be ready to speak about it because I know it could help a lot of people," ayon sa caption ng TikTok video ni Maureen.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Marami naman sa mga netizen ang humikayat sa kaniya na "spill the tea".

Kaya naman, sa isa pang TikTok video, nilinaw ni Maureen na hindi para sa isang partikular na tao lamang ang kaniyang video. Ang layunin daw ng pinag-usapang TikTok video niya ay ilahad na marami siyang mga di-nagustuhan sa kaniyang sarili para lamang ma-please ang kaniyang dating mga nakarelasyon, subalit wala naman siyang tinukoy kung sino.

"It was quite messy like most break ups but now all we want is for the other person to be happy," ani Maureen.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si JK tungkol dito.