Usap-usapan ngayon ang katuwaan ng mag-asawang Iya Villania at Drew Arellano sa Instagram kung saan pabiro nilang tinanong sa isa't isa sa pamamagitan ng dubsmash kung ready na ba ulit silang magka-baby.

Dinub ni Iya ang ilang linya mula sa “Ocean’s Eleven” movie.

“Do you think we need one more?” pakunwari ay tanong ni Iya sa kaniyang mister.

“All right, we’ll get one more,” dagdag pa niya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Hindi naman nagpatalo si Drew at nag-dub din siya gamit ang naturang mga linya.

Matatandaang kapapanganak lamang ni Iya sa kanilang pang-apat na anak, kaya tanong ng netizens, may panlima na ba?

“Relax guys! There’s nothing in the oven ah! But seriously, these kids are addicting!!!” pahayag ni Iya. Nilinaw ng TV host na hindi siya buntis.

Sa ngayon, ang mga junakis ng dalawa ay sina Primo, Leon, Alana, at Astro.

Ikinasal ang mag-asawa noong 2014, at naamaze ang mga netizen kay Iya dahil kahit apat na ang kaniyang mga anak, ay napananatili pa rin niya ang fit na pangangatawan.

At kung magkakaroon naman daw sila ng baby number 5, why not 'di ba? Afford na afford naman daw nilang mag-asawa, at isa pa, magaganda raw ang lahi nila.