Get well soonest, Hawkeye!
Lubos ang pasasalamat ng superstar na si Jeremy Renner, ang aktor na gumaganap bilang si Hawkeye sa Marvel Cinematic Universe (MCU), sa mga taong nagpahatid ng mensahe at suporta habang siya ay nagpapagaling.
"I want to thank EVERYONE for their messages and thoughtfulness. Much love and appreciation to you all," anang aktor.
Siya ay nabalian ng higit sa 30 buto ngunit aniya ang mga ito ay gagaling at lalakas tulad ng "pag-iibigan at pagsasama sa pamilya at mga kaibigan."
Ayon sa ulat, naaksidente si Renner nang masagasaan umano siya ng “snowcat” na ginagamit sa pagtanggal ng mga namuong niyebe o snow sa driveway, sa unang araw pa mandin ng Bagong Taon.
BASAHIN: ‘Hawkeye’ star Jeremy Renner, nadisgrasya; nagpapagaling na sa ICU
Bumaha naman ng encouraging words mula sa kaniyang mga kasamahan sa Hollywood gayundin sa netizens.
Isa na rito si ang co-actor nitong si Chris Evans na gumanap bilang "Captain America" sa MCU.