“Kaya pala walang benta 🤣🤣🤣🤣, mga tindera ko hayahay na 😅😅😅!”

Good vibes ang naging hatid ng post ni Leny Cunanan mula sa Quezon City tampok ang kaniyang mga alagang pusang tulog na tulog habang pinagbabantay raw niya ng kanilang tindahan.

Sa panayam ng Balita Online, ibinahagi ni Cunanan na kaniyang mga alagang aso at pusa lamang ang madalas niyang kasama sa bahay dahil nasa trabaho ang kaniyang asawa. Kaya kung ituring niya ang mga ito’y parang mga anak na talaga.

“‘Yung stress mo tanggal sa bait at lambing nila. Kaya ‘di baleng ako tuyo ulam, oks lang. Basta sila ay makakakain nang tama,” aniya.

Kahayupan (Pets)

Chimpanzee, 7 buwan kinarga naaagnas na labi ng namatay na anak bago binitiwan

Larawan mula kay Leny Cunanan

Kuwento pa ni Cunanan, nangyari raw ang nasa larawan tanghaling tapat kahapon. Magsi-cr lamang daw siya kaya niya iniwan ang kaniyang mga alaga sa tindahan, hanggang sa natawa siya dahil pagbalik ay tulog na tulog na ang mga pinagbantay niya.

“Pagbalik ko po, mqa tindera ko hayahay nang natutulog,” pagbibiro niya.

Aliw na aliw namang sinakyan ng netizens ang post ni Cunanan tungkol sa mga “tindera” niyang pusa.

“Baka naman puyat at pinag-overtime mo sila. Pahinga naman,” komento ng isang netizen.

“Kakainip daw po namang maghintay kaya idlip-idlip lang sila😂,” biro rin ng isa.

“Tulog muna, wala pang tao eh,” hirit naman ng isang netizen.