Talaga nga namang blooming na blooming at namumukadkad sa "dilig" ang kilalang komedyante, TV host, at impersonator ni ABS-CBN news anchor Karen Davila na si Jervi Li a.k.a. "KaladKaren Davila" sa tuwing kapiling ang kaniyang jowang British na si Luke Wrightson, kung saan mag-iisang dekada na rin silang magkarelasyon.

Kamakailan lamang ay bentang-benta sa netizens ang paalala niya sa lahat, bago siya magtungo sa United Kingdom upang ipagdiwang ang Kapaskuhan kasama ang fiance na si Luke noong Disyembre 2022.

"Magtrabaho ka pero 'wag mo pa rin kalimutan magpadilig!" sey ni KaladKaren sa kaniyang Facebook post habang nasa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Sey ni KaladKaren: 'Magtrabaho ka pero ‘wag mo rin kalimutan magpadilig!'

"Finally, makakapagbakasyon din! Huhuhuhu. See you soon, my love! Monkey is excited to see you and Monkey #2!

See you next year, Pilipinas!" dagdag pa ni KaladKaren.

At lagi nang inaabangan ng mga netizen kung "nadiligan" na ba siya ng afam na boyfie.

Ang latest Facebook post ni KaladKaren, sinabi niyang dati raw ay pangarap lamang niya si Luke, pero ngayon ay "natitikman" na. Kakaloka!

"Dati pangarap lang kita… ngayon, natitikman na. Charot!!!" caption ni KaladKaren sa kaniyang FB post na may "feeling in love" pa.

Kalakip nito ang sweet moments ng mag-jowa habang nasa London si KaladKaren.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Sabi nga sa kaniya ni MOIRA: Dahil alaga mo sa dilig at katamtamang sikat ng araw-araw mong pag-ibig sa'king buhay nagpapasarap."

"Sana all!!! May diligan na, may tikiman pa!"

"I love this couple! Stay strong!"

"Ang harot ni Ate Kaladkaren, sagana sa dilig!"

"Sana all natitikman momshie hahaha."

Eh 'di sana all na lang talaga!