Sinagot at tila sineryoso ng social media personality at mime street performer na si Jhonwel Reyes a.k.a. "Green Soldier" ng Baguio City ang isang netizen na pabirong nagtanong sa kaniya kung kulay-berde o green din ba ang kulay ng kaniyang magiging baby kapag isinilang na ito ng kaniyang misis.

Flinex kamakailan ni Green Soldier ang maternity photo nila ng kaniyang misis na kuha naman ng photographer na si Eliza Consul. Naka-costume si Green Soldier na kaniyang trademark at ang misis naman ay nakasuot ng green outfit, kung saan litaw ang malaking baby bump nito.

"Family Is a Gift That Last Forever," caption ni Green Soldier sa kaniyang Facebook post noong Enero 18.

BALITAnaw

#BALITAnaw: 'Kayo ang boss ko!' PNoy, ang ika-15 Pangulo ng Pilipinas

Siyempre, inulan ng pagbati ang comment section ng post, subalit marami rin ang nagbitiw ng biro. May nagsabing kapag hindi kulay-berde ang kulay ng kutis ng anak, malamang daw ay hindi siya ang tunay na ama nito.

Ngunit isang netizen ang sinagot ni Green Soldier matapos ang pabirong untag nito.

“Pag labas din po ba ng baby nyo color green?” anang netizen.

“Ganda mo sana kaso mukhang kulang ka sa utak o sa pansin?” sagot ni Reyes.

Screengrab mula sa FB ni Tito Noel Official

Ikinabigla naman ng kaniyang followers ang tila nabanas na pagsagot ni Reyes dahil "joker" ang pagkakakilala nila rito, kaya hindi nila gets kung bakit napikon daw ito sa naturang netizen.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Pwede po mag-joke?" anang isang netizen.

Sinagot naman ito ng isa pang netizen, "'Wag daw baka masabihan ng kulang sa utak at papansin. Siya lang puwede magpatawa."

"Dati dati humble pa to eh, sumikat lang kaunti, iba na asta. Minsan pala dapat pag sikat wag hydrocephalus, idol ko to dati hindi na ngayon. Nakaka-disappoint."

"Natatakot akong mag-joke, baka mapagsabihan pa ako."

Jhomwel Reyes a.k.a. Green Soldier (Larawan mula sa FB)

Sa isang Facebook post ay tila nagpaumanhin si Green Soldier sa lahat ng nasaktan sa kaniyang naging behavior sa pabirong hirit ng netizen.

"Forgive and Forget. I love you all," aniya sa caption.

Kalakip nito ang isang pubmat kung saan mababasa ang quote na "No one is perfect, we all make mistakes. Despite our failings, we still deserve respect. Don't let anyone put you down."

Aniya pa sa comment section ng sariling post, "Wala ng salitaan ng kung ano-ano kung masaya ang iba sa pamumuna ng pagkatao at pagkamali ng iba hayaan na lang, matuto tayong tumanggap ng pagkakamali at magpakumbaba, iyon ang naging aral ko."

"Focus na tayong muli sa pagbibigay ng saya sa mga tunay na nagbibigay-halaga sa atin," aniya pa.