Napamangha ng netizen na si Jonaly Pàdre, 21 mula sa Albay, ang online world matapos ibida ang kaniyang artworks gamit ang mga ginupit na colored paper tampok ang kaniyang paboritong Disney princesses.

Sa panayam ng Balita Online, ibinahagi ni Pàdre na una siyang natutong mag-paper quilling noong 18 taong gulang siya.

Bilang estudyante ng Arts and Design strand noong panahong iyon, pagdo-drawing pa lamang daw ang kinasasabikan niyang gawin hanggang sa ipakilala ng kaklase niya ang ganitong klase ng artwork sa kanilang exhibit.

“Na-amaze ako sa art style. Ang unique niya. Papers lang makakagawa ka na ng isang artwork,” ani Pàdre.

Human-Interest

ALAMIN: Bakit 'main character' tawag sa mga taga-NCR na umuuwi sa probinsya?

Umaabot daw sa tatlo hanggang limang araw ang inaabot bago niya matapos ang isang artwork dahil may pagka-mabusisi itong gawin. Gayunpaman, hindi niya ito alintana dahil sa nag-eenjoy naman siya rito.

“Akala ko sa exhibit ko lang magagawa ‘yon pero naging hobby ko na ‘to,” ani Pàdre. “Nag-eenjoy talaga ako kapag nagpe-paper quilling kasi maraming nakaka-appreciate.”

Nang i-post ni Pàdre ang kaniyang mga gawa sa Facebook, maraming netizens ang humanga rito.

“So greaaaat, just keep it up!!🥺💜” komento ng isang netizen.

“Your artworks made me reminisce my childhood characters. Ang nice ng gawa mo.👏👏” bahagi naman ng isa.

“So aesthetically beautiful. Ang ganda ng pagkakagawa! Keep it up!” anang isa pang netizen.

Dahil marami ang humanga sa kaniyang talento, marami na rin daw natatanggap si Pàdre na komisyon mula sa iba’t ibang kliyenteng lumalapit upang magpagawa sa kaniya.