Magandang balita sa mga may-ari ng negosyo sa Pasig City! Inihayag ng lokal na pamahalaan noong Biyernes, Enero 20, na ang deadline para sa assessment at pagbabayad ng mga buwis sa negosyo ay pinalawig hanggang Biyernes, Enero 27.

Ipinasa ng Konseho ng Lungsod ng Pasig noong Huwebes, Ene. 19, Resolution No. 153, series of 2023, na nagpapalawig sa panahon ng pagbabayad ng buwis upang mai-renew ng mga may-ari ang kanilang mga business permit.

Nakasaad sa resolusyon na walang mga multa o surcharge ang sisingilin o isasama sa panahon ng extension.

Applicable lang ito sa mga negosyong walang delinquencies, paglilinaw ng lokal na pamahalaan.

National

5.0-magnitude na lindol, yumanig sa Eastern Samar

Hindi na rin sasaklawin ng extension period ang limang porsyentong diskwento sa business taxes na dati nang inaalok ng lokal na pamahalaan.

Ang insentibo, na natapos noong Enero 20, ay alinsunod sa Chapter V, Article III, Section 66 of the Revised 2017 Pasig Revenue Code.

Maaaring bayaran ng mga may-ari ng negosyo ang kanilang mga buwis sa negosyo sa City Hall sa Lunes hanggang Biyernes ng 8 a.m. hanggang 6 p.m., o Sabado mula 8 a.m. hanggang 3 p.m.

Real Property Tax

Sa pagsisimula ng taon, inihayag din ng lokal na pamahalaan na ang mga mamamayan ay maaaring maka-avail ng 10 porsiyentong diskwento sa Real Property Tax (RPT) kung magbabayad sila nang buo sa o bago ang Enero 31.

Kasama sa nakolektang RPT ang Basic RPT (binubuo ng isa at kalahating porsyento para sa Residential at dalawang porsyento para sa Commercial at Industrial), isang porsyento para sa Special Education Fund Tax, at tatlong porsyento para sa Ad Valorem Tax sa Idle Lands.

Maaari ring maka-avail ng limang porsyentong diskwento kung ang RPT ay binayaran sa takdang oras, ayon sa quarterly na iskedyul ng pagbabayad para sa unang yugto (sa o bago ang Marso 31), ikalawang yugto (sa o bago ang Hunyo 30), ikatlong yugto (sa o bago ang Setyembre 30), at ikaapat na yugto (sa o bago ang Disyembre 31).

Gayundin, maaari ring magbayad nang maaga ng mga RPT para sa 2024 pataas, simula Enero 2023. Ang mga nagbabayad ng kabuuang buwis nang maaga ay maaaring makakuha ng 15 porsiyentong diskwento.

Khriscielle Yalao