Viral ngayon ang fresh-looking na si Amanda Dudamel ng Venezuela na pumangalawa sa kamakailang Miss Universe competition. Sey ng ibang netizens, kafes daw ni Miss Everything?
Sa kamakailang Facebook feature ng pageant page na Missosology, tampok ang walang makeup na Venezuelan beauty queen kasama ang hottie boyfriend nito.
Bagaman first runner-up lang ni R’Bonney Gabriel, anang pageant community, “winner after all” pa rin ang beauty queen sa kaniyang long-time boyfriend.
Samantala, dahil naman sa pilyong netizens, nakitaan ng mga ito sa mukha ni Amanda ang online star na si Miss Everything.
Kapansin-pansin ang pag-tag ng marami sa online personality sa naturang post ng Missosology.
Hanggang makarating nga ito mismo kay Miss Everything!
Gamit ang kaniyang verified Facebook account, ibinahagi na ng online star ang viral post kalakip ang nakakaliw na caption.
“Yes, that’s me in the other dimension,” nakakaaliw na gatong ni Miss Everything sa nertizens.
As usual, inulan naman ng barok na English comment ang kaniyang post na kilalang sariling brand.
“There is a blood vessel similarity Miss Everything. I can see,” nakakaaliw na sey ng isang follower.
“Oh my, what a co accident!” dagdag ng isa pa.
“You’re demontionally right and upright to left to the right clap your hands. dont be feeling like her because you are beautiful inside outside heaven on earth to the moon and back. Healing for everything!”
“You have so many faces miss everything. here, there and everywhere!”
“Indeed, a very functional shared post.”
“That’s you in the other multiverse!”
Umabot na sa mahigit 6,000 reactions ang naturang post ni Miss Everything na naghatid ng good vibes sa netizens.