Tutulungan ng Quezon City government ang pamilya ng 13-anyos na estudyanteng pinatay ng kanyang 15-anyos na kaklase sa Culiat High School nitong Biyernes ng madaling araw.

"We are extremely saddened and horrified by this incident involving two minor students of Culiat High School," sabi ni Mayor Joy Belmonte sa panayam sa telebisyon.

Tiniyak din ng alkalde na iimbestigahan ito nang husto ng pulisya.

Gumagawa na rin ng hakbang ang pamahalaang lungsod upang hindi na maulit ang kahalintulad na insidente.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Ikukulong muna sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang menor de edad na suspek na nakatakdang kasuhan ng murder.