Naka-survive dahil sa pagkain ng ketchup ang isang lalaking 24 na araw nang nawawala sa dagat.

Kuwento ni Elvis Francois, 47 mula sa Caribbean island ng Dominica, naka-survive siya dahil sa pagkain niya ng ketchup, garlic powder, at bouillon cubes. Ihinalo raw niya ang mga ito sa tubig para maka-survive.

“I had no food. There was only a bottle of ketchup that was on the boat, garlic powder and (bouillon cubes) Maggi. So I mixed it up with some water for me to survive 24 days in the sea,” aniya sa isang video na inilabas ng Colombian Navy.

Iniipon aniya ang tubig ulan sa isang tela para maging hydrated siya.

Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito

Nag-ukit din siya ng salitang "help" sa kaniyang bangka sa pag-asang may makakita sa kaniya.

Ayon pa kay Francois, sinusubukan din niyang kunin ang atensyon ng mga bangkang dumadaan pero hindi siya nakikita ng mga ito.

Samantala, nang makakita siya ng eroplano, kinuha niya ang atensyon nito sa pamamagitan ng isang salamin.Nakita naman ito ng crew ng eroplano at ipinaalam agad sa navy para iligtas si Francois.

“The final days, about the 15th of January, I saw a plane. I had a mirror. I was making some signals," aniya.

"They passed over the boat twice so I realized they saw me.I am grateful for being alive today because of them.”

Natagpuan siya sa layong 120 nautical miles ng Hilagang-Kanluran ng PuertoBolivar.

“24 days, no land. Nobody to talk to. Don’t know what to do. Don’t know where you are. It was rough. A certain time I lose hope. I think about my family," kuwento pa ni Francois.

"It was very rough. I don’t know how I am alive today but I am alive. And I am grateful for that," dagdag pa niya.

Ayon sa navy, nagtatrabaho si Francois at inaayos ang isang bangka sa labas ng daungan sa isla ng Caribbean ng St. Maarten sa NetherlandsAntilles noong Disyembre 2022 nang tangayin siya sa dagat dulot ng masamang panahon.

“Without having any knowledge of navigation he was lost and disoriented at sea. His efforts to maneuver the vessel and the equipment on board were to no avail,” anila.

Sinubukan din ni Francois na tumawag gamit ang kaniyang cellphone ngunit nawalan siya ng signal.

 

Samantala, nakikipagtulungan na ngayon ang awtoridad para makabalik si Francois sa kaniyang bansa. 

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!