Viral ngayon ang model at TV host na si Katherine Anne Alano o mas kilala bilang si Kat Alano, matapos ibahagi niya sa kaniyang Twitter account ang isang cryptic tweet na tila may pinapatutsadahan siya.

Aniya sa kaniyang tweet, "People will cancel you for cake, but celebrate you for rape."

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

https://twitter.com/katalano/status/1615967830725529600

Ayon sa netizens, sinabayan umano ni Kat ang isyu ni Alex Gonzaga na pinagpiyestahan sa social media para makapaghayag ng kaniyang opinyon o saloobin.

Dagdag pa ng netizens, na halatadong ang post ay banat niya sa TV host-comedian na si Vhong Navarro na kailan lang nakabalik sa noontime show na It's Showtime.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2023/01/13/vice-ganda-nagpahiwatig-na-ng-pagbabalik-ni-vhong-navarro-sa-its-showtime-next-week/

Si Kat ay isa sa mga babaeng nag-akusa ng sexual assault laban kay Vhong.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/12/29/balikan-sinu-sinong-mga-kababaihan-ang-nag-akusa-ng-sexual-assault-kay-vhong-navarro/

Narito ang komento ng netizens sa kaniyang tweet:

"Yung sa cake kasi may pa video. Yung sa rape ba anong ebidensya? Isip muna please."

"Then file a case ganun lang, tagal mo ng ngumangawa wala ka naman ginagawa."

"If you don't do anything about your concerns to him, wala talaga mangyayari sa'yo. What are you doing right now is gusto mong sirain ang image ng tao thru your words pero hindi effective yan. Kung totoo man yung nangyari sayo, file a case again. Iba na ang panahon ngayon unlike noon."

"If u don't have evidence or di mo mapatunayan yan, kahit araw-araw ka pa mag post, people will assume you're a liar and making up stories. People will bash and call you liar. Patunayan mo nalang kasi. If true naman di bale may karma naman, matagal nga lang."

"I understand how you feel, I hope and pray for the day you will expose him all out for who he truly is."

"Kat stop it.You want everyone to sail with you, be a captain.You can still file a case."