Isinapubliko na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang Gilas Pilipinas Pool para sa FIBA Basketball World Cup 2023 Asian Qualifiers – Window 6 na gaganapin sa Pebrero.

Pinamumunuan ni Ginebra import Justin Brownlee ang Gilas Pilipinas 24-man pool, kasama ang tatlo pang kakampi sa Gin Kings na sina Scottie Thompson, Jamie Malonzo at Japeth Aguilar.

Kasama rin nila sina CJ Perez, Kiefer Ravena, Chris Newsome,JeromLastimosa, Roger Pogoy, Jordan Heading, Ray Parks, Francis Lopez, Schonny Winston, Dwight Ramos, Thirdy Ravena, Jamie Malonzo, Calvin Oftana, Arvin Tolentino, Kevin Quiambao, Carl Tamayo, Mason Amos, June Mar Fajardo, Kai Sotto, Raymond Almazan at Angelo Kouame.

Dalawang laro ang sasabakan ng Gilas kung saan unang makakaharap ang Lebanon sa Pebrero 24 at Jordan sa Pebrero 27 sa PhilippineArena sa Bocaue, Bulacan.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Batanes

Nasa ikatlo ang Gilas sa Group E, taglay ang rekord na 5-3, panalo at talo, sinusundan nila ang Lebanon na nasa unang puwesto at New Zealand sa ikalawang posisyon.