Naging kwela ang seremonya ng kasal nina Gab at Aubrey Vitriolo mula sa Quezon City nang biglang ilabas ng kanilang best man sa hiwaan ng cake ang mala-buster sword ng video game series na Final Fantasy 7 (FF7).

Ang agaw-pansin na tagpo ay nakunan noon pang Enero 5.

Metro

Riot sa basketball championship sa Muntinlupa, iimbestigahan ni Mayor Biazon

Sa panayam ng Balita Online, ibinahagi ng groom na si Gab na naisipan nila ang ganitong klase ng gimik upang maipakita rin nila sa pamilya at mga kaibigan ang fun side nilang mag-asawa.

“We wanted to show a different side of us during our wedding. Lagi kaming nakikita as busy people due to our professions, me being an architect and my wife being a senior PR specialist. We wanted to share our fun side and make the wedding more memorable,” saad niya.

Naisip naman daw niya na ang paglabas ng buster sword ng video game character na si Cloud Strife sa FF7 ang gamitin bilang gimik dahil childhood favorite video game niya ito.

“FF7 is really close to my heart, and ‘yun ‘yung unang game na nalaro ko as a kid, and it was the reason why I fell in love with gaming din,” ani Gab.

Buo naman daw rito ang suporta ng kaniyang asawa na nawiwili rin sa larong Resident Evil 4 sa naisip niyang gamik.

“She knows the feeling of being passionate about hobbies and the things you love,” aniya.

Samantala, kuwento ni Gab, natuwa naman daw ang lahat ng kanilang mga bisita sa paandar nila at nagpa-picture pa ang mga kaibigan nilang gamer din kasama ang buster sword.

Larawan mula kay Gab Vitriolo

Nang nakaambang hihiwain na ang cake, bigla silang naglabas ng mini-buster sword na siyang lalong nagpahalakhak sa mga bisita.