Nakakagaan daw ng loob ang pagso-sorry ni Alex Gonzaga sa waiter na si Alex Crisostomo, ayon sa batikang mamamahayag na si Arnold Clavio.

Matatandaang sinabi ng waiter na personal na pumunta sa kaniya si Alex para humingi ng paumanhin sa kaniya. 

“Last January 17, 2023 around 6:30 pm nasa work po ‘ko, pumunta po si Ma’am Alex kung saan po ako nagwo-work then nag-apologize and nag-sorry siya saken tapos konting kwentuhan at sinabi ko po sa kanya na ok na po yung nangyari. OK na po kami,” mababasa sa liham na isinulat ni Allan, base sa ulat ng ABS-CBN.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2023/01/18/waiter-sa-viral-video-ni-alex-gonzaga-nagsalita-sa-pirmadong-sulat-nag-sorry-siya-saken/

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Naglabas din ng pahayag ang aktres sa kaniyang social media accounts.

“On my birthday, God taught me a hard and important lesson. Humility, kindness and better judgment,” aniya.

“I am truly sorry, Kuya Allan.To my family, I am sorry for causing you pain and embarrassment. I will rise from this a wiser and better person,” dagdag pa niya.

BASAHIN:https://balita.net.ph/2023/01/18/alex-gonzaga-nagsalita-na-i-will-rise-from-this-a-wiser-and-better-person/

Kaya naman nagpasalamat din si Clavio dahil sa pag-amin ni Alex sa kaniyang maling nagawa.

"Maraming salamat kay Ms. Gonzaga sa pag-amin sa kanyang pagkakamali at sa pagpapakumbaba na personal na humingi ng paumanhin kay Crisostomo," saad nito sa kaniyang Instagram post nitong Huwebes, Enero 19.

"Lahat tayo ay dapat magkaroon ng aral sa nangyaring ito.Sa ngayon na natapos na sa kapatawaran ang lahat , baunin natin saan man tayo magpunta - ang mabuting pakikitungo at respeto sa kapwa , anuman ang antas niya sa buhay," aniya pa.

"Walang lugar ang panlalait, pagpapahiya at pagmamaliit ng iba."

Matatandaang isa rin si Clavio sa mga nagkomento sa isyung kinasangkutan ng aktres.

“Ang pagpuna sa kanya ng marami ay marapat pa ngang ipagpasalamat niya. Lahat tayo ay binibigyan ng pagkakataon na maituwid ang bawat pagkakamali at malalaman lamang natin ito sa mata ng iba. Walang personalan,” pangwakas na talata ni Clavio sa kaniyang IG post.

BASAHIN:https://balita.net.ph/2023/01/19/bilang-komedyante-marissa-sanchez-dinepensahan-si-alex-gonzaga-kay-arnold-clavio/