“Ang maganda kasi sa pagkakabantot ko hindi mo na kailangan ng mangga, ako na ‘yung maasim eh.”

Kinaaliwan ng netizens ang trending ngayon sa social media na interview ng kilalang content creator na si Ghost Wrecker sa vlogger chef na si Ninong Ry nito lamang Enero 18 sa kaniyang programa na ‘Get Wrecked Show’.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Mapapanood sa latest video ang tila pakikipag-bardagulan umano ng vlogger kay Ry. Kagaya na lamang ng pagtatanong nito ng “Anong mas maasim sinigang o ikaw?” at “Anong pakiramdam ng mas mahaba pa ‘yung pasensya mo kesa sa leeg mo?”

Agad naman itong sinagot ni Ry, “depende kasi ‘yan sa klase ng sinigang eh. Para akong alam mo yung sinigang sa bayabas, amoy putok pero hindi masyadong maasim. ‘Yung sampalok naman maasim pero hindi amoy putok, pinag-sama ako nung dalawa pre.”

“D’yan ka nagkakamali, alam mo ‘yan yung misconception dito. Alam mo yung mga foreigner, diring-diri sa mga bagoong kasi parang binulok na hipon daw pero ‘pag natikman nila hmm, yung akin try niyo muna.

“Medyo may ganong bantot (alamang) pero ang maganda kasi sa pagkakabantot ko hindi mo na kailangan ng mangga, ako na ‘yung maasim eh.” natatawang sagot nito.

Ibinahagi rin ni Wrecker sa kaniyang Facebook page ang trailer ng kanilang naging pag-uusap na siyang naging viral at inulan ng samu’t saring komento mula sa netizens:

"Gagawa kami palabas. "GET NECK SHOW" biro ni Wrecker.

"Kwentuhan ng mga walang leeg HAHAHAHA"

"Neck neck mo"

"Nice show hahaha"

"Title ng Episode nato eh LEEGLESS"

"Kung may heart to heart eto neck to neck talk"

"Ganitong ung mga klase ng taong lumalagpas sa impyerno."

"Usapang may tama"