Napanalunan ng isang mananaya ang jackpot na₱79.1 milyon sa 6/49 Super Lotto draw nitong Huwebes ng gabi.

Sa abiso ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nahulaan ng nabanggit na mananaya angwinning combination na17 – 19 – 31 – 13 – 47 – 34 na may katumbas na premyong₱79,151,086.60.

Hindi pa binabanggit ng PCSO kung taga-saan ang naturang mananaya.

Gayunman, babawasan ng 20 porsyentong tax ang premyo alinsunod na rin sa Tax Reform for Acceleration Inclusion (TRAIN) law.

National

'Julian' malapit nang maging 'super typhoon'; Signal No. 4, itinaas sa 2 lugar sa Luzon

Binobola ang 6/49 Super Lotto tuwingMartes, Huwebes at Linggo.

Merlina Malipot