Nag-tweet ang kilalang disc jockey at katandem ni Ted Failon na si DJ Chacha hinggil sa isyu ng pamamahid ng aktres, TV host at vlogger na si Alex Gonzaga sa isang server, bagay na binatikos naman ng mga netizen.

Kahapon ng Miyerkules, Enero 18, nagbigay ng isang "written statement" si Allan Crisostomo na nagsasabing nag-sorry na sa kaniya si Alex. Makikita pa ang lagda o pirma niya rito.

Pagso-sorry ni Alex Gonzaga, umani ng iba't ibang komento mula sa netizens

Bagama't walang binanggit, nagbigay naman ng reaksiyon dito si DJ Chacha, ayon na rin sa palagay ng mga netizen.

"Bakit may letter with signature? Police report ba yan? NAKAKALOKA," saad sa tweet ni DJ Chacha.

https://twitter.com/_djchacha/status/1615654830726606848

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Di ba sa school pag may nagawa kang kasalanan pagsusulatin ka hindi mo na gagawin ulit 'yon. So dapat ganon din siya. So lumilitaw pa si kuya waiter yung may kasalanan. Close pa daw sila niyan ha and look at Alex walang kasinseridad ha."

"Lalong nakaka-degrade ata yung thought na may signed letter si Kuya Allan. For what? Nalito ako. Naagrabyado na ang inobligang magsulat hoping makakalinis ng dumi? Kung may kaya ba yung nagawan ng ganyan maobliga mo ba na magsulat pa ng letter???"

"Parang lumabas ay si kuya pa ang nag-public apology, which is lalo bumababa ang dignidad ni kuya.. si Alex dapat mag-public apology… kapag celebrity dapat ganon dapat gawin, parang pinahiya lalo si kuya."

Samantala, nagbigay na rin ng public apology sa lahat ng naapektuhan si Alex, gayundin ang kaniyang mister na si Mikee Morada.