Kinaaliwan ng netizens ang larawang ibinahagi ng netizen na si Jolina May Endaya sa FB group na ‘Dog Lovers Philippines’ kung saan makikita ang alagang aso na tila nagkaroon ng katawan ng isang tao.

Sa panayam ng Balita Online, ibinahagi ni Jolina na nakuhanan nang ganoon ang kaniyang asong si “Koko” dahil sa pangungulit at paglalambing nito sa kaniya nitong Miyerkules ng gabi, Enero 18.

“‘Pag gabi po kasi, pinapatay po namin ang ilaw. Natatakot po siya kaya po sa amin pumupunta o tumatabing matulog. Noong gabi pong ‘yan, tumabi po siya sa akin at nagtaklob po ako ng kumot kasi po dinidilaan n’ya po ako sa mukha. Noong nagtakip na po ako ng mukha, bigla po niyang pinatong ‘yung ulo niya sa leeg ko,” kuwento ni Jolina.

Kinuhanan lamang daw niya ng larawan si Koko para makita kung tulog na ba ang makulit na alaga o hindi pa.

Human-Interest

Paalala sa misis ng mga mister na binabalakubak, umani ng reaksiyon

“Nagulat po ako sa picture namin kasi sumakto po ‘yung ulo niya sa katawan ko. Kaya naisip ko po na i-post, katuwaan lang po ba. ‘Di ko po akalain na marami pong magre-react at magshe-share po ng picture namin,” aniya.

Sa ngayon, umani na ng mahigit 5,900 reactions at 362 shares ang nasabing post.