Hindi pinalagpas ng Kapuso comedian-TV host na si Pokwang ang isang basher na nagbigay ng komento at "unsolicited advice" sa kaniya, hinggil sa buhok ng anak na si Malia.

Nag-post kasi ang kaniyang ex-partner at ama ni Malia na si Lee O'Brian ng litrato ng anak, at binati ito sa kaniyang kaarawan.

"Happiest of birthdays to you, my sweetheart @malia_obrian !! Wishing you a great day and it’s going to be a fun year ahead. I love you more than anything and I am SO proud of you!! Eat that cake!!!" saad ng ama, kalakip ang mga litrato ni Malia kung saan makikitang magulo ang kaniyang buhok.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Isang netizen naman ang nagkomento sa litrato ni Malia, "Young kids shouldn't have a long hair especially if it's not tidy/comb neatly…"

Makikitang rumesbak naman sa comment section si Pokwang.

"Dami mong alam! birthday ng bata wag kang maraming alam kahit di magsuklay yan maganda yan at wala ka non PAKIALAMERA!!!"

Sumegunda naman ang mga netizen sa ina.

"So what??? Why are you negative instead of greeting Malia Happy Birthday!"

"I can't see anything to be bashed off with this li'l cutie girl… maygwaad! It's a normal sight when you bend, especially with long hair. Slide the next photo & see how tidy it is."

"Istupida. Ang mga bata di 'yan pang display. They should allow to be looking scruffy and walang suklay kasi nga mga bata."

Hindi naman na tumugon ang naturang basher.