Matapos ang paghingi ng paumanhin ni Alex Gonzaga sa publiko dahil sa mga naapektuhan ng pamamahid niya ng icing sa noo ng waiter na si Allan Crisostomo, sinegundahan naman siya ng mister na si Mikee Morada sa pamamagitan ng isang Facebook post.

Alex Gonzaga, nagsalita na: 'I will rise from this a wiser and better person'

"Madami na ang nasabi tungkol sa aking misis dahil sa nangyari noong kanyang birthday celebration. Bilang asawa at head ng aming pamilya, nais ko lang sabihin na nagkamali ang aking asawa," saad ni Mikee, Miyerkules ng gabi, Enero 18.

"Madaming mga rason na maari kong sabihin kung bakit niya nagawa iyon pero walang excuse sa kanyang pagkakamali. Nagkamali talaga siya. Na recognize niya ang kanyang pagkakamali at napagdesisyonan na agad na humingi ng dispensa kay Kuya Allan."

Masakit umano para kay Mikee na marami siyang nababasa patungkol sa kaniyang misis, at pati ang mga dati nang bagay ay nauungkat pa.

"Pero kahit na sa kanyang paghingi ng dispensa at gawin ay may masasabi pa din sa kanya. Tanggap natin yan pero bilang asawa masakit yung mga nababasa ko na sobra naman na pati ang pinagdaanan nya bilang babae ay naungkat pa. Kahit nagkakamali ang isang tao wala pa rin tayo karapatan murahin ito."

"Pinili ni Alex ang maging tahimik at nagawa na ng asawa ko ang paghingi ng dispensa sa taong pinaka naapektohan sa nangyaring ito, kay Kuya Allan."

"Nakakahiya din sa employer ni Kuya Allan na ngayon ay napilitan nang maglabas ng statement dahil ayaw silang tigilan ng mga nais na lalong magpalaki ng isyung ito. Humihingi kami ng paumanhin sa inyo."

"Catherine, masakit at mahirap na lesson ito pero ang mahalaga ay ginawa mo ang dapat mong gawin at inako mo ang iyong pagkakamali. Patuloy man ang mga masasabing hindi maganda patungkol sa iyo at sa atin ay nandito ako para sa iyo. Pero may awa Ang Panginoon, dadating ang oras maghihilom din ang lahat."

"I love you!," saad pa ni Mikee.