Sinegundahan ni Mikee Morada ang kaniyang misis na si Alex Gonzaga, sa paghingi nito ng dispensa sa lahat ng mga naapektuhan sa kaniyang ginawa kay Allan Crisostomo, na pinulapulan niya ng icing ng cake sa kaniyang kaarawan.

"Madami na ang nasabi tungkol sa aking misis dahil sa nangyari noong kanyang birthday celebration. Bilang asawa at head ng aming pamilya, nais ko lang sabihin na nagkamali ang aking asawa," saad ni Mikee, Miyerkules ng gabi, Enero 18.

"Madaming mga rason na maari kong sabihin kung bakit niya nagawa iyon pero walang excuse sa kanyang pagkakamali. Nagkamali talaga siya. Na recognize niya ang kanyang pagkakamali at napagdesisyonan na agad na humingi ng dispensa kay Kuya Allan."

Masakit umano para kay Mikee na marami siyang nababasa patungkol sa kaniyang misis, at pati ang mga dati nang bagay ay nauungkat pa.

'Nagkamali talaga siya!' Mikee Morada, aminado sa maling nagawa ng misis na si Alex Gonzaga

"Pero kahit na sa kanyang paghingi ng dispensa at gawin ay may masasabi pa din sa kanya. Tanggap natin yan pero bilang asawa masakit yung mga nababasa ko na sobra naman na pati ang pinagdaanan nya bilang babae ay naungkat pa. Kahit nagkakamali ang isang tao wala pa rin tayo karapatan murahin ito."

"Pinili ni Alex ang maging tahimik at nagawa na ng asawa ko ang paghingi ng dispensa sa taong pinaka naapektohan sa nangyaring ito, kay Kuya Allan."

"Nakakahiya din sa employer ni Kuya Allan na ngayon ay napilitan nang maglabas ng statement dahil ayaw silang tigilan ng mga nais na lalong magpalaki ng isyung ito. Humihingi kami ng paumanhin sa inyo."

Naniniwala si Mikee na darating din ang panahong maghihilom ang sugat na nalikha ng isyung ito, sa mismong araw ng kaniyang 35th birthday.

"Catherine, masakit at mahirap na lesson ito pero ang mahalaga ay ginawa mo ang dapat mong gawin at inako mo ang iyong pagkakamali. Patuloy man ang mga masasabing hindi maganda patungkol sa iyo at sa atin ay nandito ako para sa iyo. Pero may awa Ang Panginoon, dadating ang oras maghihilom din ang lahat."

"I love you!," saad pa ni Mikee.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"One mistake across all the good deeds she has done to all the people, still I love you Alex, keep helping people."

"Lesson learned. Sana sa susunod isipin mo kapakanan ng asawa mo, lalo na pamilya niya at pamilya mo, hindi na lang ito tungkol sa'yo Alex, tungkol na rin to sa mga taong nakapaligid sa'yo, kasiraan mo puwdeng maging kasiraan na rin ng iba… masakit siguro marinig sa iba na sabihin tungkol sa'yo na ganiyan ba napangasawa ni Mikee Morada? 35 yrs old ka na… dapat mas matured na and act like a true Christian. You are blessed. Be grateful and be kind."

"May karapatan naman lahat magbago kasi lahat naman tayo nagkakamali."

"Lesson for today: Stand up for your wife and protect her, if you have to take sides then always take your wife’s side."

"Sana maging lesson learned ito kay Alex dapat mag-ingat sa mga ginagawa kasi may position asawa niya sa Batangas pati yun nadadamay sa mga nagagawa niyang mali. Di na siya bata para lagi magharot."