Tila naka-relate ang mga netizen sa naging pahayag ng premyadong aktor na si "Ronaldo Valdez" patungkol sa kaniyang diet.

Aniya, may sinusunod siyang diet subalit tila ayaw naman siyang "sundan" ng diet o hindi naman siya nakakakita ng resulta, kaya inunfollow na lamang niya ito.

"I followed a diet but it didn't follow me back. Si I unfollowed it," ani "Lolo Sir".

Tila naka-relate naman dito ang mga netizen.

National

VP Sara Duterte, binisita si Ex-VP Leni Robredo sa Naga

"Pasaway ka talaga Lolo Sir hahaha."

"Hahahaha may point nga naman."

"Magtatay nga kayo ni Janni Gibbs haha."

"Oo nga naman hahaha 'wag pilitin kung ayaw."

Tinatawag na "Lolo Sir" si Ronaldo dahil sa kaniyang role sa seryeng "2 Good 2 Be True" ng ABS-CBN, na pinagbidahan ng KathNiel.