Trending ngayon sa Twitter ang aktres na si Dawn Zulueta matapos kuwestyunin ng mga netizen kung bakit kasama siya sa World Economic Forum (WEF) sa Switzerland, na dinaluhan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.

Screengrab mula sa Twitter

Lumipad ang pangulo upang dumalo sa WEF na dadaluhan ng iba't ibang kilalang political at business leaders.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Mister ni Dawn ang kanang kamay at kaibigan ni PBBM na si Antonio Lagdameo, subalit nakukuwestyon ng mga netizen kung bakit kasama pa ang aktres sa official trip ng pangulo. Ito ang tumatayong special assistant to the president.

Natatanong ng ilang netizens kung ano raw ba ang role ni Dawn at bakit kailangan pa itong sumama sa Switzerland. Pera daw ba ng taumbayan ang ginamit din para sa kaniya?

Narito ang ilan sa tweets ng netizens:

"Anong role sa gobyerno ni Dawn Zulueta at kasama siya Switzerland???"

"Hindi pa rin masagot ng Marcos camp! Why was Dawn Zulueta included in the WEF delegation. Is she now an economist, business tycoon or just plain free loader?"

"Taray kasama sa world economic forum si Dawn zulueta. Kasama sa Economic team yern?"

"Sana lang hindi pera ng taong-bayan ginamit nila! Baka naman display si Daw, siyempre nga naman… kailangan ng muse 'di ba?"

"Hindi na ako nagulat kay Dawn Zulueta. To be frank, madaming has been na artista ang sumisiksik ngayon sa mga gov’t post, whether as opisyal or staff ng isang pulitiko. Nakapayroll. Ginagawang retirement plan ang gobyerno."

"Antonio Lagdameo is BBM's right hand man and is part of this trip. Lagdameo brought his wife, Dawn Zulueta, and Filipinos have to pay for her too. Irene Marcos who's also not a gov't official is part of this trip too. Ang daming sabit na babayaran ng mga Filipinos."

Sa kabilang banda, marami rin ang nagtanggol kay Dawn at sinabing mayaman ang pamilya Lagdameo at afford nilang gamitin ang sariling pera sa isang world trip.

"The opposition is attacking the friends of President Marcos Jr., even Dawn Zulueta who is a respected actress is being attacked on social media by these idiots. Well, Dawn Zulueta went to Switzerland and they used their own money not from the gov't. Stop harassing Dawn Zulueta!"

"I think these people need to be called out! I am for Leni but please stop questioning bakit kasama si Dawn Zulueta dyan dahil kaya nya mag travel around the world using her own money.! (Libre nya pa kayo and FYI Anton Lagdameo is the Special Assistant of PBBM…"

"Stop cancelling Dawn Zulueta. They can afford this trip, ilibre pa kayo eh, period!"

"Natural, misis siya ng special assistant to the President. Pero baka naman binayaran niya ang sariling trip, no."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Dawn Zulueta tungkol dito.