Nagkomento ang GMA news anchor na si Arnold Clavio sa isyung kinasasangkutan ngayon ni actress-TV host-vlogger Alex Gonzaga, matapos ang insidente ng pamamahid ng icing ng cake sa server na si Allan Crisostomo.

Para kay Clavio, hindi katanggap-tanggap ang ginawa ni Alex, ayon sa kaniyang mahabang Instagram post.

"Ang pagpuna sa kanya ng marami ay marapat pa ngang ipagpasalamat niya. Lahat tayo ay binibigyan ng pagkakataon na maituwid ang bawat pagkakamali at malalaman lamang natin ito sa mata ng iba. Walang personalan," pangwakas na talata ni Clavio sa kaniyang IG post.

Waiter sa viral video ni Alex Gonzaga, nagsalita sa pirmadong sulat: ‘Nag-sorry siya saken’

Sa comment section ay mapapansing nagkomento ang komedyanteng si Marissa Sanchez.

"Hindi sa pinagtatanggol ko si Alex; BILANG KOMEDYANTE - Minsan talaga, ang komedyante, no matter how funny you are, puwede ka pa ring magkamali sa isang iglap lang, before you know it, lalo na pag nadadala ka ng adrenalin or tinatawag na 'kasagsagan ng nangyayari' lahat naman nagkakamali. Kahit pa hindi komedyante? I can only judge her motive."

"At kitang-kita naman sa video that she was just plainly making pipol laff yun nga lang at the expense of the staff. (Sometimes di maiiwasan) Kung sakali na ang ginawa ng waiter…ginantihan niya si Alex? That would really be so amazingly funny. Iba-iba ang tao. Nagkataon na hindi yun nagustuhan ni kuya. Obviously you cannot please everyone."

"Bakit? Akala n’yo ba mdali magpatawa? Hindi po. Kaya mas titingnan ko yung maraming beses ako napatawa ng isang comedian kaysa sa dami ng beses na naka-offend siya. At any rate, sorry po Manong. I am sure di po sadya ni Alex na pahiyain kayo," pahayag ni Marissa.

Screengrab mula sa IG ni Arnold Clavio

Kahapon, Enero 18, lumabas ang pirmadong pahayag ni Allan Crisostomo tungkol sa nangyari at humingi na rin ng public apology si Alex sa kaniyang nagawa.

Sa panibagong IG post naman ni Igan, nakakagaan umano sa loob ang ginawa ni Alex.

"Nakakagaan ng loob ang naging mabilis na aksyon ng aktres na si Alex Gonzaga sa waiter na si Alex Crisostomo," bahagi ng IG post ng news anchor.