Posibleng hindi namakasuhanang 10 na flight attendant ng Philippine Airlines (PAL) na nahulihan ng mga puslit na sibuyas nitong Enero 10, ayon sa pahayag ng Bureau of Customs (BOC) nitong Huwebes.

Sa isang televised public briefing, ipinaliwanag ni BOC Spokesperson, Customs Operation chief Arnaldo dela Torre, Jr. na sa ngayon ay walang isinasampang kaso laban sa mga naturang flight attendant.

Kamakailain, binanggit ng Bureau of Plant Industry (BPI) na posibleng maharap sa disciplinary sanctions ang 10 na attendant ng PAL.

Sa report, ang mga hindi deklaradong agricultural products na kinabibilangan ng sibuyas, lemon at strawberry ay mula Riyadh, Saudi Arabia, Dubai, United Arab Emirates.

National

47% ng mga Pinoy, naniniwalang bubuti ang buhay sa susunod na 12 buwan – SWS

Ipinaliwanag pa ng opisyal, kinukumpiska ng mga awtoridad ang anumang produktong ipinapasok sa bansa na hindi deklarado alinsunod na rin sa Presidential Decree 433 o ang Plant Quarantine Decree of 1978.

Matatandaang binatikos ng ilang senador ang BOC dahil "maliliit lang ang hinuhuli at pinalulusot umano ang maraming container van na may kargang smuggled na sibuyas.