Nahaplos ang puso ng mga netizen sa ibinahagi ng social media personality na si "Whamos Cruz" kung saan balak niyang ilipat ng bahay ang isang pamilyang pitong buwan nang nakatira sa ilalim ng tulay.

Ayon kay Whamos, labis siyang nag-aalala sa pamilyanng nakatira sa ilalim ng tulay dahil baka mapahamak pa ang mga ito kung bumagsak ang tulay, kung sakaling magkaroon ng landslide.

Bukod dito, nagbigay rin ng pagkain at pera si Whamos sa pamilyang ito. Ipinangako ni Whamos na sasagutin niya ang isang taong upa ng mag-anak sa bago nilang lilipatan.

Sa isa pang Facebook post ay ibinahagi ng social media personality ang bagong tahanang lilpatan ng mag-anak.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Nakaka-inspired ka idol sana balang araw maging tulad mo rin ako na mas marami pang matulungan. God bless idol!"

"Whamos you are a good Samaritan… may God bless you always… you have a big, big heart, I salute you for your big help… keep it up!"

"Sana lahat ng vloggers gaya mo!"