Nanawagan sa netizens ang sikat na vlogger at influencer na si Toni Fowler o mas kilala bilang “Mommy Oni” na wag daw umano i-cancel at husgahan ang buong pagkatao ni Alex Gonzaga.

Ito'y matapos makatanggap ng kaliwa’t kanang batikos mula sa netizens ang TV personality at vlogger na si Alex. May ilan ding nagsilitawang dating nakatrabaho ng actress-TV host-vlogger, na nagsabing masama raw ang ugali nito.

Dinepensahan naman ito ni Toni at ayon sa kaniya, talagang feeling close at sobrang open raw talaga ni Alex. Ibinahagi rin ni Toni ang kaniyang karanasan, at sinabi niyang "okay" kasama si Alex.

Aniya, " Nagcollab kami ni Alex. Ako, biglang na kasama ko siya, at wala talaga akong masabi kung 'di sobrang naging okay. Sa ilang oras na pakikipag-usap ko kay Alex, ang dami kong natutunan."

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Dagdag pa niya, "Masasabi ko lang talaga na si Alex G pagkasama mo siya, feeling close kaagad siya, para siyang bata yung gusto niyang makipaglaro. At doon ko napansin sa video, na naging ganoon si Alex."

Ikinuwento rin ni Toni na hindi siya natutuwa sa mga komento ng netizens kay Alex.

"Oo, sige nagkamali na si Alex, pero grabe naman ata yung comment niyo sa kaniya, gaya ng; buti nga sa'yo na laglagan ka, wala kang kwentang tao, basura yung content mo, wala kang kaclass-class, at iba pa., parang sobra naman ata iyon," paliwanag ni Toni.

Idiniin rin ni Toni na kung may pagkakamali man si Alex dapat na turuan siya at wag kaagad-agad siyang husgahan. Dagdag pa niya, si Alex daw ay may Attention Deficit Hyperactivity Disorder (ADHD).

Pinayuhan rin ni Toni ang followers at subscribers na wag nilang i-cancel si Alex at ayon rin sa kaniya, may napatunayan naman si Alex sa kaniyang showbiz career.

Aniya, "May ADHD si Alex, sobrang hyper niya. Pero, all her life na nasa showbiz siya, may napatunayan naman si Alex. Lagi siyang kinukumpara sa Ate niya, at noong nilabas niya yung totoo niyang pagkatao doon siya minahal ng mga tao."

Nilinaw naman ni Toni na hindi niya kinakampihan si Alex at umaasa siyang wag ma-cancel si Alex ng kaniyang mga followers.