Usap-usapan ngayon sa social media ang isang tindero ng buko juice na naispatan ng isang netizen sa Parol Ferry Terminal sa Fort San Pedro, Iloilo City.

“Kung amo ba naman ni kagwapo ang gabaligya BUKO JUICE, hindi kapa ayhan magbakal. Jusko 10 ka Gallon dayon! Charot!” ayon sa Facebook post ng isang nagngangalang Miss Yan Salvador.

Naging maagap naman sa paghahanap ang mga netizen kung sino ang naturang buko juice vendor. Napag-alaman na siya ay si "Frenchant Camino".

Nakatutuwa raw si Frenchant dahil masipag ito, huwag nang tukuyin ang charming looks nito.

Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito

Nagpasalamat naman si Frenchant sa pag-flex sa kaniya ng naturang netizen.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Pabili po ng BJ koya!"

"Pag guwapo ang tindero, gustong bilhan? Kapag hindi naman, dedma lang hahaha Pinoy nga naman."

"Marami rin namang nagtitinda ng buko juice pero hindi nagba-viral hahaha."