Matapos ang kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon ang actress, TV host at vlogger na si Alex Gonzaga-Morada hinggil sa pamamahid ng icing sa noo ng isang waiter, muling binalikan ng netizens ang Instagram post noon ng kapwa aktres at vlogger na si Donnalyn Bartolome patungkol sa kaniya.

Bago sumingaw ang isyu tungkol kay Alex ay nasa kumukulong tubig din si Donnalyn matapos ang kontrobersiyal na pahayag niya tungkol sa "balik-trabaho post" pagkatapos ng holiday season.

Pahayag ni Donnalyn ukol sa balik-trabaho, umani ng samu't saring reaksyon mula sa netizens

Sa kaniyang 2019 post ay nagbigay ng patotoo si Donnalyn kung gaano ka-cool at kabait si Alex, malayo sa mga ipinupukol na pagpula sa kaniyang ugali na pagiging "ma-attitude". Minsan na kasi silang nag-collab sa isang vlog. Kahit na nagpabunot daw ito ng wisdom tooth ay game pa rin itong tumupad sa kanilang usapan.

"Kind-hearted people are misunderstood," sey pa ni Donnalyn.

Screengrab mula sa IG ni Donnalyn Bartolome via The Scoop

Sey ng mga netizen, tila nagsama at nagkasundo raw ang dalawang "problematic" na vloggers.

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Donnalyn o si Alex tungkol dito.