Pumanaw nitong Martes, Enero 18, sa edad na 118 ang French nun na si Lucile Randon na siyang kinilalang pinakamatandang tao sa buong mundo.

Kinumpirma ito ng tagapagsalitang si David Tavella sa Agence France-Presse (AFP).

Ayon kay Tavella, pumanaw si Randon, kilala bilang Sister André, habang natutulog sa kaniyang nursing home sa Toulon, France.

"There is great sadness but... it was her desire to join her beloved brother. For her, it's a liberation," sambit ni Tavella, ng Sainte-Catherine-Laboure nursing home, sa panayam kasama ang AFP.

Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito

Pinanganak si Randon sa southern France noong Pebrero 11, 1904, isang dekada bago mangyari ang World War I.

Samantala, nagpahayag ng pakikiramay ang Guinness World Records sa pagkamatay ni Randon.

"We sadly said goodbye to the world's oldest person, Lucile Randon, at the age of 118 🕊," anang Guinness World Records sa kanilang FB post. "She was confirmed as both the oldest person living (female) and overall oldest person living back in April 2022 following the passing of Kane Tanaka (Japan)."

Kinilala rin ng Guinness World Records si Randon bilang pinakamatandang madreng nabuhay sa buong mundo.

Mary Joy Salcedo