Matapos maging viral ang video ng pagpulapol ni Alex Gonzaga ng icing sa mukha ng isang server sa kaniyang kaarawan, naging usap-usapan naman ng mga netizen ang isa sa mga nagbahagi nito sa social media na si Dani Barretto.

Kinukuwestyon ngayon ng mga netizen ang naging intensiyon daw ni Dani kung bakit ibinahagi pa nito sa IG story ang naturang video, na pinagpiyestahan tuloy ng detractors at bashers ng actress, TV host, at vlogger.

Sa isang Instagram post ni Dani, isang netizen ang naglapag ng komento tungkol dito.

"Lagot ka kay Alex at sa mami pinty nya trending ang lola mo sa Lahat ng social media…. now you know lol" sey ng netizen.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

"wala na po ung video ni alex?" tanong pa ng isang netizen.

Sa Twitter naman, naging usap-usapan din ito matapos itong i-tweet ng isang alt Twitter account na "AltGMA" noong Enero 17.

"Sana kasi sa gilagid na lang ni Dani Barretto pinahid ni Alex Gonzaga yun cake. Baka natawa pa ako," tweet nito.

https://twitter.com/KafosoMo/status/1615024041768914945

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Di mo naman kelangan na insultuhin si Dani. You could have called her out na lang. Binaba mo pa sarili mo sa level ng namahid ng cake."

"Feeling ba ni Dani walang mali sa ginawa ni Catherine kaya pinost nya yung vid, or baka deep inside gusto nya rin ilaglag ang 'friend' nya? Charot."

"Si Dani nga ang nagpa-trend kay Alex. Let us all thank Dani for exposing that well-mannered something."

"Ang dapat tinatanong natin ngayon ay kung friends pa rin ba si Dani Barretto at Alex Gonazaga? Wala naman kasi dapat gulo kung 'di pinost nung isa. Can someone confirm?"

Sa ngayon ay wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Dani tungkol dito. Bukas ang Balita Online sa panig niya.