Nagulat ang netizen na si Maureen Valdez nang madatnan niyang nakakilay na ang kanilang mga alagang aso at isang pusa pagdating niya ng kanilang bahay.

Sa post ni Maureen sa FB group na Aspin Lovers Philippines, aniya, namalengke lamang daw siya nang pagbalik niya ng kanilang bahay ay may mga kilay na ang kanilang mga aso maging ang pusa nilang nagngangalang “Bruno.”

Makikitang itim na itim ang kilay ng kanilang mga alaga at talagang plakado pa ang shape ng mga ito.

“Linagyan ng anak ko kasi daw, KILAY IS LIFE, mommy! Waah ginamit ang eyeliner ko...pero natawa ako sa itsura nila,” ani Maureen sa kaniyang post.

Human-Interest

Paalala sa misis ng mga mister na binabalakubak, umani ng reaksiyon

Kinagiliwan naman ng mga netizen ang naturang post.

“In fairness momsh ang kilay tama ang shape hehehehe,” sabi ng isang netizen sa comment section.

“kalowka! tinalbugan ang kilay ko bwahahahahaha,” wika pa ng isa.

“Si Muning sa baba ang kilay hahahahah. Ang cute nila nakaka good vibes 🤣🤣🤣,” komento ng isa pa.

“Hakyyyuuut naman silang lahat.”

“hala ka-cute nila. tingnan lab lab yarn! ♥️🐕♥️🐶

Nag-share rin ng mga larawan ang ibang mga netizen sa comment section tampok ang kanilang mga alagang nakiki-kilay is life din sa mga alaga nina Maureen.