Ipinagtanggol ng showbiz columnist na si Peter Ledesma si actress, TV host, at social media personality na si Alex Gonzaga matapos itong malagay sa alanganin at kuyugin ng netizens matapos ang viral na pagpahid niya ng icing sa noo ng isang server o waiter, sa sorpresang birthday party para sa kaniya.

Hindi nagustuhan ng mga netizen at maging ilang celebrities at kapwa influencers ang ginawa ni Alex, kaya tinatawag siya ngayong "entitled", "bastos", "walang pinag-aralan", at iba pa.

To the rescue naman si Peter at nagpadala ng mensahe sa isang showbiz/entertainment site upang ipaliwanag na kakilala ng pamilya Gonzaga ang server na si "Allan" ng Florabel Resto and Catering Services sa Pasig City.

Nakakabiruan pa nga raw ni Mommy Pinty itong si Allan gayundin ng Soriano family. Kaya naman, ang catering services na ito ang kinukuha nila para sa kanilang events.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

"Itong si Allan ay laging kabiruan ni Mommy Pinty and Alex at ito ang parating nagse-serve sa kanila. Kaya tuwing nagkikita ay binabati agad ni Allan ang mag-mommy, magiliw ito sa kanila," ani Peter.

"Hindi naman magagawa ni Alex, ang magbiro at magpunas ng cake, kung hindi sila magkakilala ng said waiter, na sanay na sa pagiging mapagbiro at kikay ni Alex."

"This is the side of Mommy Pinty na higit na nakakaalam ng istorya ng anak."

Nilinaw din ng kolumnista na hindi totoo ang mga kumakalat na tsikang tipsy o medyo lasing na si Alex kaya niya nagawa ang bagay na ito.

Larawan mula kay Peter Ledesma via Fashion Pulis

Samantala, wala pang pahayag ang pinangalanang waiter na si Allan tungkol sa isyung ito.