Magkakaroon ng water service interruption sa mga bahagi ng Taytay at Antipolo City sa pagitan ng 10 a.m. sa Enero 18, Miyerkules, at 6 a.m. sa Enero 19, Huwebes.

Ayon sa service advisory ng Manila Water, walang tubig ang ilang bahagi ng Upper Dolores sa Barangay Dolores sa Taytay, Rizal simula alas-10 ng umaga ng Enero 18 hanggang alas-3 ng hapon sa parehong araw dahil sa line maintenance works sa kahabaan ng Cabrera Road sa Barangay Dolores.

Sa Antipolo City, ang line maintenance activity ng Manila Water ay magreresulta sa pagkawala ng serbisyo ng tubig simula 10 p.m. sa Enero 18 hanggang 6 ng umaga sa Enero 19, Huwebes.

Sa Rodriguez, Rizal, magkakaroon ng water service interruption simula alas-10 ng gabi ngayong Huwebes, Enero 19 hanggang alas-5 ng umaga ng Enero 20, Biyernes, sa ilang bahagi ng Barangay Burgos; habang bahagi ng Barangay San Jose (E. Manuel St., Ayuson 1, Ayuson2, Ayuson 3, G. Cruz, De Guzman, Liamzon, F. San Juan, P. Cabal, R. Reyes, bahagi ng E. Rodriguez at G . Bautista, E. Rodriguez, J. Sumulong, G. Bautista, G. Bautista, Guevara, Liamzon, G. Alberto, San Juan, R. Reyes at Libis) ay walang tubig simula 10 p.m. ng Ene. 19 hanggang 5 a.m. ng Ene. 20.

National

Hontiveros sa pagsailalim kay Guo sa PNP custody: 'Napaka-iregular ng mga nangyayari'

Sa Marikina City, walang tubig simula 9 p.m. ngayong Huwebes, Enero 19 hanggang alas-6 ng umaga ng Biyernes, Enero 20 sa ilang bahagi ng Barangay Barangka, Marikina dahil na rin sa line maintenance activity ng Manila Water sa Daang Bakal corner Marang Road.

Nel Andrade