"Ako naka Angkas, habang yung sasakyan namin may sinusundong ibang babae."

Viral sa TikTok ang isang babae nang magkataong nakita niya ang kaniyang ex-boyfriend na may kasamang iba gamit ang sasakyang kanilang naipundar habang siya ay nakasakay sa Angkas.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Ayon sa uploader na si Faye Tolentino, hindi pa umano siya maniniwalang may ibang babae ito, hanggang sa siya na mismo ang nakakita.

Aniya, ang masakit pa rito ay gamit ng dating kasintahan ang sasakyang sila mismo ang nag-ipong dalawa.

"Lord, thank you for opening my eyes! Hindi pa ako naniniwala na may babae/may iba until nakita ko sila. One in a million yung scenario na ito but you let me see it. Ang masakit lang yung sasakyan na pinag-ipunan namin. Namin na pinag-ipunan naming dalawa iba na yung sinasakay niya."

Kuwento nito sa video, "Last picture namin together nung Christmas. Kinabukasan nagloko kasi umuwi samin. 6 hours di ko ma-contact nung tinanong ko wala lang daw signal sa area na pinuntahan.

"Nakipag break na talaga siya nung December 31, 2022. So technically wala na kami nung nakita ko siya na may kasama na iba kagabi. Pero December 26 naghihinala na ako na may iba kasi naging cold siya. Dinedeny niya. Nagsawa lang daw siya," saad ni Tolentino

Dagdag pa niya, ibinigay na umano niya ang sasakyan sa lalaki dahil pinaghirapan naman nila ang pinang-bili rito at hati rin sila sa gastos pero ito ay nakapangalan pa rin sa kaniya.

"So ako namang sobrang bait, nakipag-hiwalay na lang. Tapos pinagusapan namin bibigay ko na sasakyan sa kaniya kasi sobrang tanga ko. Kasi pinaghirapan namin together yung pinambili at hati talaga kami."

Samantala, bumaha naman ng samu't saring komento ang naturang TikTok video mula sa netizens:

"Hindi si Lord magsasawa magbigay ng eye-opener sayo hanggat hindi mo sinusukuan ang maling tao. ganyan din ako. na kahit wala na ko ginagawa yung ++."

"Kka amaze si lord kasi khit wala kang gawin gagawa sya ng way para malaman mo yung totoo."

"Pag pinalagpas at pinatawad mo, paulit ulit lang din nya gagawin yan. Know your worth."

"Need talaga natin makita kase hirap puro hinala. yan ang pinaka the best na mangyari makita natin para matanggap ng lubos."

"Feel free to hurt, its normal . I know we will heal. Kaya natin to hugs "

"Kaya mo yan. I experienced worst than that pero nakayanan ko. Let go of him and trust God’s plan for u."

"Hoping ate for your fast heiling."

"True gumagawa talaga si Lord ng way para isave ka sa wrong person mejo hard lang kase literal nya ippakita sau para matauhan ka. stay strong girl."

"Paano yung sasakyan? Hati kayo dun. Dapat di lang siya masaya. Hahahahaha"

"Bawiin mo na sasakyan mo mare! hahaha"