Nawindang at naeskandalo ang mga netizen sa video na ibinahagi ng aktor at dating miyembro ng all-male group n "Hashtags" na si Nikko Natividad, na ayon sa mga nagkomento ay mula raw sa Cebu, sa kasagsagan ng Sinulog Festival.

Makikita sa video ang silhouette ng isang lalaki at babaeng tila may kakaibang ginagawa, na kitang-kita sa salamin ng establisyimentong kanilang kinalalagyan.

"Grabe sweet naman nung lalake. Gabe na nililinisan parin nya ng pusod jowa nya. @_cielovesyou linisan din kita pusod ?" caption ni Nikko sa kaniyang Instagram post noong Enero 15.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Kinukuha lang daw po measurement niya lods."

"Hayop ka talaga Nikko hahaha."

"Katatapos ko lang magsimba Nikko."

"Amo bang ginagawa kasi hahahaha."