Humingi na ng pasensya ang TV personality at vlogger na si Alex Gonzaga sa server na si Allan Crisostomo hinggil sa nangyari sa kaniyang birthday celebration noong Lunes. Bukod dito, ibinahagi rin ng aktres ang mga natutunan niya sa nangyari.

Sa isang Facebook post nitong Miyerkules, tila nagpakumbaba si Alex.

"On my birthday, God taught me a hard and important lesson. Humility, kindness and better judgment," aniya.

Humingi naman siya ng pasensya sa waiter maging sa kaniyang pamilya.

Waiter sa viral video ni Alex Gonzaga, nagsalita sa pirmadong sulat: ‘Nag-sorry siya saken’

"I am truly sorry, Kuya Allan.To my family, I am sorry for causing you pain and embarrassment. I will rise from this a wiser and better person," dagdag pa niya.

Nauna na rito, nagpahayag umano si Allan na personal na nag-sorry sa kaniya si Alex.

“Last January 17, 2023 around 6:30 pm nasa work po ‘ko, pumunta po si Ma’am Alex kung saan po ako nagwo-work then nag-apologize and nag-sorry siya saken tapos konting kwentuhan at sinabi ko po sa kanya na ok na po yung nangyari. OK na po kami,” mababasa sa liham na sinulat niya ngayong Miyerkules.