Sa panahon ngayon, wala na dapat isyu kung si mommy o daddy ba ang magiging hands-on sa kanilang chikiting, except kung walang pakialam sa terno si mister. Kuwelang gulo nga ito!

Ito ang viral na pagbabahagi ng isang mommy at blogger na si Erika Jane sa kaniyang Facebook nitong Lunes.

Nahuli kasi nito ang kiliti ng maraming netizens at kapwa mommies na partikular sa detalye sa pag-aalaga ng kanilang anak. Ika-nga kasi ng sikat na kasabihan, “Momma knows best!”

“Kagigil din minsan yung asawa mo na walang pakialam sa salitang ‘terno’ eh🙄,” mababasa sa kaniyang Facebook post kalakip ang hindi magkasundong Doraemon-inspired na damit at pajamang may mukha ni Dora.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Terno gone wrong nga!

Sa loob lang ng dalawampu’t dalawang oras, umabot na sa mahigit 16,000 laughing reactions ang inani ng larawan.

Kaniya-kaniya namang nakakaaliw na pagbabahagi ng parehong karanasan sa mga tatay ang ibinahagi ng kapwa mommies sa viral post.

Payo naman ng isang netizen, dapat aniyang pagsamahin na sa pagkakatupi ang magkaternong damit para wala nang hiwalayang magaganap.

Silipin ang nakakaaliw na mga komento ng mommies sa viral post na ito:

Nasa 18,000 beses nang ibinahagi ang naturang post sa pag-uulat.