“Rosemarie ‘Sanaol’ Tan Pamulaklakin”

Inokray ngayon ng netizens ang kumakalat na edited photo ng TikTok influencer at CEO ng isang beauty line na si Rosemarie Tan Pamulaklakin o mas kilala bilang si “Rosmar” kasama ang sikat na South Korean girl group na ITZY.

Pinutakte ng negatibong komento ang larawang kumakalat sa social media kaya walang patumpik-tumpik na rumesbak ang asawa nitong si Jerome Pamulaklakin at pinayuhan niya ang mga bashers ng kaniyang asawa.

Aniya, “Yes naman talaga, kapag yung asawa ko talaga ginamit mo sa post mo talagang 100% sisikat talaga. Oo nakakatawa talaga yung edi, kasi kilala ko din yung Kpop group na ITZY. There’s nothing wrong about posting this kind of thing ang sa akin lang bakit ganoon mag comment yung iba na akala mo na ang dami ng napatunayan sa sarili. Hindi sa nagiging “KJ” ako about sa mga ganyang bagay. Okay lang naman samin na pagtawanan kami pero sana wag natin kalimutan rumespeto na akala niyo ay kilalang kilala nyo kami.”

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Ayon sa kaniya tanggap naman nilang mag-asawa na hindi maiwasang gawing katatawanan sa Facebook ang ilang litrato ni Rosmar at wala na silang ibang magawa kung hindi ang balewalain na lamang ito.

“Okay lang samin na ginagawa nyo kaming katatawanan kase “Facebook” nga naman your wall your rules kumbaga at pwede ka din mag-comment na kahit anong gusto mo. Well ganun talaga sila ano pa nga bang magagawa namin kundi i-ignore na lang,” paliwanag niya.

Dagdag pa niya, ”So, ayun munting paalala, kung ikaw ay pabigat pa rin sa pamilya mo, wag ka ng mandamay ng iba. Wag mong idaan sa comment section mga hinanakit mo sa buhay.”

Mababasa sa post ni Rosmar na pinasalamatan niya ang kaniyang asawa na handang ipagtanggol siya kahit ninuman.

Aniya, “Ang sarap talaga magkaroon ng asawa na pinagtatanggol ka, ipinagmamalaki at itinuturing na prinsesa, ito pala yung tinatype nya kanina nung nasa banyo siya. I Love You Daddy Jerome Pamulaklakin sabi nga walang pakialam sa sasabihin ng iba, basta tayo’y masaya #Rosthan.”

Samantala, buong-buo naman ang suporta ni Jerome at mga fans ni Rosmar sa kaniyang 1st anniversary concert na gaganapin sa Araneta Coliseum sa darating na Pebrero 27, 2023.