Buong pagmamalaking ibinida ng batikang aktres na si Sylvia Sanchez ang pagiging calendar girl ng anak na si Ria Atayde, sa isang liquor drink.

"I’m so proud of you Potpot"

"White Castle Whisky’s 2023 Calendar Girl, love you Ria!" saad sa caption ng Instagram post ni Ibyang, kalakip ang mga litrato ni Ria.

Bea at Chie, kabahan na raw; sino nga ba ang TikToker na si 'Sassa Gurl?'

In fairness naman ay may K si Ria bilang calendar girl dahil talaga namang lutang na lutang ang alindog nito.

Sa kaniyang Instagram story ay flinex naman ni Ria ang iba't ibang pagbati sa kaniya ng mga kakilala dahil sa panibagong milestone na ito sa kaniyang career.

Matatandaang ang social media personality na si Sassa Gurl ang naging calendar girl noong 2022.