Nagpaabot ng pagbati si Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga para sa kaniyang kapatid na si Alex Gonzaga para sa ika-35 kaarawan nito, na nagdulot naman ng kontrobersiya dahil sa viral video ng pagpahid niya ng icing sa mukha ng server na may bitbit ng kaniyang birthday cake.

"Happy Birthday Cat!!! Love you!!! Nung bata ka pa you always question bakit mas matanda ang ate sakin eh mas nauna ako mag birthday sa kaniya," caption ni Toni.

Kalakip ng Instagram post ang litrato nilang mag-ate.

"Love u sissss!!" tugon naman ni Alex.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Subalit nakatanggap naman ng sermon ang mag-ate mula sa mga netizen.

"Please reprimand your sister wag lagi puro patawa at the expense of others! There are other ways to make people happy but not by bullying!!!"

"Happy Birthday Catherine aka Alex! Ngayon na tumatanda ka na sana ilagay sa lugar ang mga jokes at pagiging magaslaw, lalo na at may asawa ka na.. dont get me wrong maam, I'm a fan I watch your YT uploads inaabangan ko kayong dalawa magkapatid. Pero pasensya na, di lang din kasi talaga maganda actions mo minsan…"

"Katatawanan. Respeto naman sa mga taong mas mababa sa inyo. Mag-apologize ka Catherine sa waiter na dinamay mo. Gusto mo pala ng cake na ipulapol sa mukha di sa kapamilya mo ginawa o bisita mo nang malaman mo ang ginagawa mo."

"Pagsabihan mo ang kapatid mo nang minsan magkaroon ng manners. Irespeto ang kapwa. Kung gusto niya magpulapol ng cake huwag niya isali ang waiter. Lahat na lang gusto gawin sa kapwa, katatawanan."

"I have nothing against you Ms. Toni pero bastos kapatid mo. Sana mapagsabihan siya to act her age. Hindi yung she will make a prank sa waiter who is just doing his job. Hindi porke artista eh may karapatan na gawin kung ano ano without even thinking kung makakasakit or makakapanghiya siya ng tao."

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Alex tungkol sa isyung ito.